HINDI AKO PUMASOK sa school ngayong araw na'to sa dalawang subjects ko para uminom ng dalawang mug ng kape, one after the other, para magwiwi, para manuod ng grey's anatomy sa internet, para magbasa ng Youngblood 3, at para tumawa ng malakas pagkatapos kong isulat ito.
Kung 'yan ang ilalagay kong reason sa excuse slip ko at papapirmahan sa matandang binatang academic coordinator namin malamang titignan nya lang ako na blangko ang mukha. Pero syempre 'di naman ako katanga para gawin yun diba? So, nag-absent ako kasi nga masama pakiramdam ko, may medical certificate pa nga 'ko e (di lang ako sure kung legit talaga yun kasi hindi naman ako chinek-upan nung duktor kasi kamag-anak namin sya).. But that's beside the point. So i've been burning with mild fever for three days now and with the intense desire of not going to school because .. uh.. wala lang. trip trip lang. E kasi ni minsan 'di pa talaga ako nag-aabsent -- with the right denotation of the word ha. Hindi pa'ko naleleyt ni minsan kahit sa minor subjects lang. So naisip ko na hindi naman kasama sa mataas na tuition fee namin ang kontrata na maging isang mabait na estudyante. Tsaka may sakit naman talaga ako e.
Totoo.
And then i got home sa dorm ko. Humiga daw kuno. As if. It wouldn't be 'me' kung hihiga lang ako maghapon at sasayangin ko ang opportunity kong mabuhay due to my not going to school. Carpe diem, ika nga. Hehehehe. So on goes the computer. Nag-check ng articles para sa school paper, nagreply sa lahat ng nagsend ng contributions dahil pinapahalagahan ko ang aking public image as a nice editor. Malay mo, maging nominee pa'ko sa TOS diba. Haha.. tapos ayun, uminom ng kape. Kinabahan. Isa pang mug. Yan, okey na'ko. Sana gumaling na'ko, nakakainis pag punas ka nang punas ng sipon tapos namumula pa yung nostrils mo. Kadiri.
Waiting for my movie downloads, nagbasa-basa ako sa Youngblood ko and i found one nice read. Medyo ma-effort masyado kung kokopyahin ko ng buo at i-popost ko dito, so i'm extracting a quote from it which i felt deeply. The essay is entitled Love and Tooth No. 29 by Maria del Rosario, dated August 28, 2001.
"No, I'm not crying over the tooth. You see, I am mourning the loss of my first love and the loss of my childhood innocence and the belief that life is perfect and love is forever. Whereas before, I consoled myself with the possibility of a reconciliation, his marriage has closed this possibility. Although I wish him all the happiness, I am crying for all the 'ifs' and 'what-could-have-beens' in our relationship, for what was not said and can no longer be said, and for the resolution I seek of the question of why it had to end in the first place. I am crying for the lessons learned: that love freely given can be taken away by the giver and that love cannot and should not be forced."
It seems like a cliched statement but not after reading the whole essay. I wish everybody would read Youngblood. The entries are such eye-openers. I never really was aware that the Filipino youth is still actively writing and that there are still people who do care and hope for the improvement of this country.
So much for book promotion. Tama na nga. Nakatingin sa'kin ngayon si Tarsy na bigay ng pinsan ko galing Bohol, nakasabit sa ref na patungan ng printer imbes na lamnan ng pagkain, tinuturo ang basang tuwalyang nakasampay sa dobol bed na lalagyan ko ng libro. Ang memo pad na puno pa rin ng calculations ng aking pagbubudget para makabili ng regalo para sa'king mga magulang at kapatid. Puno ng mga pangalan ng mahahalagang tao sa eskwela. Amoy kape pa rin ang lamesang hindi na magamit sa pagsusulat dahil masyadong makalat. Mga larawang nakadikit sa pader na mahal ko pa rin hanggang ngayon. Ang buhay ng isang tumatakas sa tunay na mundo sa labas ng pinto. Sinisipon. Inuubo. Masaya dahil wala sa eskwela, kahit isang araw lang.
Hindi ako pumasok ngayon sa last two subjects ko para kausapin ang sarili. Pasayahin ang kaluluwa sa katahimikan at pag-iisang hindi mabibili ng sinuman o mabibigay ng kahit anong uri ng pagkaing mataas sa cholesterol gaano man ako kasiba. Hindi ako pumasok para mahiga sa kama at paluputin ang sarili sa mga takip na akin lamang. Walang kahati. Pumasok ako para patayin ang mga langgam na sumusugod sa lalagyan ko ng asukal. Na sa huli ay aking pinagsisisihan. Hindi ko na sila papatayin sa susunod. Masarap ang kape kapag walang asukal. Natutuwa ako. Hindi ako pumasok. 'Di ako makapaniwala. *tatawa ng malakas* Hindi talaga ako pumasok. *tatawa. mag-isa.* Isang normal na bagay para sa maraming tao. But not going to class for two subjects is the greatest accomplishment I have had for the last 2 years of my life. Natutuwa ako. Hindi ako pumasok.
I should do this more often.
sharee:112607..nagjojokesalastsentence,iniisipparinangsinabisakanyaniJudeLaw..

0 mga komento:
Mag-post ng isang Puna