
BUKOD SA MAGANDANG COVER, maganda din actually ang nakasulat sa loob nito. At kung me magtatanong man, e hindi po satanic o kultu-kultuhan ang content nito.
Koleksyon ng mga butil butil na katotoohanan at imahinasyon ni ser Bob Ong tungkol sa buhay ng tao, magandang reading material 'to para makapag-reflect tungkol sa kung sumali ba talaga sa Laban O Bawi si Bob Ong, tungkol sa seven capital sins, sa walang katapusang debate kung may Diyos nga ba o wala, at kung meron man e ba't nahahayaang mapuno ng kasalanan at kasamaan ang earth.
Sa trademark na Tagalog at simpleng-intindihing paraan ng pagsulat ni kuya Bob e mapag-uusapan ang mga bagay na komplikado. Maaaring maliwanagan ka, lalong maguluhan, o parang wala lang ang epekto kung binasa mo 'to. Pero kung bagong sweldo ka, bagong kupet sa bulsa ni itay, bagong sustento ng sugar mommy, o kagagaling lang sa raket, e hindi na gaanong kasamaan ang maglaan ng konteng kulang sa dalawang daang piso pambili neto. Makatutulong ka na sa industriya ng nangangalulong manunulat na Pilipino, makakatulong sa pag-kontrol ng populasyon ng mga libro sa mga bookstore, e madadagdagan pa ang mga alam mo sa statistics ng mundo. (Note: Karamihan e nagsasabing pinaka walang silbi ang huling nabanggit.)
Kagaya ng ibang libro niya e Noyping-noypi sagad hanggang bone marrow ang dating ng libro.. hindi lang dahil Tagalog ha, pero dahil sa umaapaw na kasimplehan e masasalamin mo talaga ang buhay Pinoy at pagkakasalang Pinoy.
Ay, onga pala.. Kung gusto mo pang magtagal-tagal sa earth e 'wag mo munang basahin 'to.
...
Pero kung wala namang silbi ang pamamalagi mo dito, kung wala kang kwentang anak, asawa o kaibigan sa kahit kaninong tao, kung wala kang trabaho at wala ka nang pambayad sa utang, basahin mo 'to. Pramis mas madali ang paraang 'to kesa sa pag-overdose ng Xenical, pagpapasagasa sa flyover, pag-vovolunteer as hostage sa mga terorista o pagtalon mula sa taas ng building sa Ayala habang ginagaya si batman at marerealize sa part na huli na ang lahat na 'di naman pala nakakalipad si batman -- kung gusto mong magpaka-suicidal at mag-emo-emo-han.
In short,
Mamamatay ka pagkatapos mong nabasa ang librong 'to.
********************************************************************************************
ang rebyung ito ay gawa ng kaluluwa ni shareenarciso.
MABUHAY Funeraria,121207.
0 mga komento:
Mag-post ng isang Puna