4.12.07

isang rebyu: Macarthur ni Bob Ong


KAILANGANG mabasa to ng lahat ng pilipino.

******
naglalakad-lakad ako sa national bookstore nung sunday, naghahanap ng magandang book para mabigay sa kapatid ko for christmas. as i was browsing, i went through that automatic passing-by sa may books ni sir paulo coelho. then something special tinged me and my devils whispered, "ano ka ba, ni isang pilipinong libro wala ka pang nababasa kung ano ano nang tinitignan mo dyan.."
tapos pumunta ako sa local book collections. nakakatawa in a sarcastic term na aabot ng ilang libo ang mga librong imported, kahit yung mga paperbacks lang na love stories na super predictable ang plot. pagkatapos ang librong gagawan ko ng rebyu ngayon ay 100 pesos lang.

striking ng super yung cover ng book na'to. pulang-pula at mukhang sopistikadong thriller ni stephen king. papantay na rin sa book covers ni john grisham. medyo faded yung pagkaka-engrave ng mga titik na B O B O N G kaya diko agad narealize kung anong uri ng libro ang nasa kamay ko. nakabalot ng plastic, matigas ang libro kahit na may kanipisan. di nako nag-eexpect ng librong bababa sa P200 ngayon kaya napa-dalawang tingin pako sa bar code neto.

mukhang bago ni bob ong, di ko pa nababasa, mura pa. tamang-tama sa nauuhaw kong mga matang sabik magbasa. at the same time hindi ko kailangang maging guilty dahil nagpapaka-nationalistic ako lately. usual bob ong catch yung nakalagay sa likod ng book. so i assumed na kwentong chalk nanananananaman to, mga simpleng pagmamasid pero makabuluhang aral sa buhay pilipino.


napalunok ako nang umupo ako't nagsimula sa pagbabasa.


walang quote. walang marvin-agustin-is-the-new-president dialog. walang kwento ng mga nagtataeng bolpen. isang kwento. maikling kwento.

at si bob ong ang nagsulat. wow sabi ko, bago to ah. so i went on.

basically, kwento sya ng apat na magkakabarkada. mga shabu adik, pero may kanya-kanyang istorya. makikita mo ang tunay na mukha ng kahirapan dito sa pilipinas. natuwa ako sa paraan ng pagkwento ni Ong dito, napaka-lay man. walang sentence na walang Tangna, putanginamo, pakyu, shit, ulul at kung anu-anu pang cute na murang kanto. magaling dahil mapapadpad ka talaga sa squatters' areang bahay nina Cyrus na medyo malaki lang ng konti sa bahay-aso; sa police station kung saan pinapalabas na inosente ang tulisan para mapunta sa mga pulis ang anumang ninakaw, sa normal na bahay nina Noel, sa umaalis na mag-ina ni Jim dahil nabuntis na naman at walang maipangtustos ang lalaki, at kay Voltron na may nanay na lasengga. iba't ibang itsura ng mga pinoy. kabataang pinoy. pagkakalulong sa bisyo at mga balak nilang magbago. mga unfairness ng buhay, kamatayan, pamilya, at higit sa lahat, pagkakaibigan.


sa isang daang piso makakakuha ka ng isang daang pahina.

but wait, there's more! if you call within the next five minutes, may isang daang realizations kang makukuha.............. free!


sa ika-siyampu't walong pahina, tumulo din sa wakas ang aking mga luhang namuo sa umpisa ng kwento ng apat na magkakaibigan.



hindi ito ang iyong usual bob ong.
na-touch pa'ko dahil para sa Gawad Kalinga pala ang proceeds ng book nato.


pahabol sulat:
magandang gawing mubi to. wag lang mga pakyut na artista kunin nila.

0 mga komento: