6.12.07

isang rebyu: Youngblood 3

Youngblood 3
(mula sa mga pinoy 1999-2004, inquirer books)

MASAMANG ISIPIN PERO oo, nagugulat pa rin ako tuwing nagbabasa ako ng youngblood books o essays. Nakakagulat na mayroon pa rin nga palang intelektwal na populasyon ang bansa natin. Sori pero may mga matatalino pa rin tayong mamamayan. Mas nakagugulat kasi akalain mo, may kabataan pa rin pala tayong pipiliin ang pagsulat at paglathala ng kanilang mga saloobin bilang pagtulong sa Pilipinas at pagbuhos ng kanilang mga damdamin. May mga kabataan pa rin palang nagsusulat, nagbabasa, nag-iisip. Mayroon pa ring pakialam ang mga batang 'to. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paniniwalang ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Nagkakamali kayo kung iniisio ninyo na ang lahat ng kabataan natin ay walang ibang inatupag kundi grumadweyt ng nursing at lumipad sa ibang bansa. Nagkakamali din ho kayo kung sa tingin ninyo pre-marital sex, droga, maingay na musika at pagrerebelde lang ang alam nilang gawin. Sori pero we (kami at tayo) are more than that.

Noong una kasi kabilang ako sa mga tangang naniniwalang wala na tayong patutunguhan (ever). Siguro dala na rin ng impluwensya ng Western media at pagkakakulong sa eskwela mula nung nagkamalay-tao ako kaya hindi ako aware sa takbo ng pag-iisip ng mga ka-age group ko. Akala ko din walang kwenta ang mga nakasulat sa mga essay sa librong 'to, pero dala ng inip e binasa ko na. At hindi ako nagsisi. Buti na lang nainip ako. Youngblood 2.0 actually 'yung una kong binasa. Pagkatapos ng iilang istorya ng iba't ibang kabataang pinoy e nahiya ako bigla. Nakakahiya ang kamangmangan na ipinakita ko. Masyadong powerful 'yung epekto ng mga kwento nila--mga kwentong kasing-simple lang ng pamomroblema sa mga daga sa bahay o kasing-seryoso ng pagiging bahagi ng mga rally at pag-aalsa laban sa gobyerno, lahat e nakakiliti sa pagiging makabayan ko. Nagising ako sa aking sub-conscious existence. Isang passive na nilalang ng Pilipinas, ngayon minamahal ko na ang bansang 'to. Medyo mababaw sigurong dahilan ang isang simpleng libro para matawag na catalyst ng aking pagkamulat, pero sori ho, madali kasi akong maengganyo at maimpluwensyahan ng nakalimbag na media... Dati nga nababaduyan ako sa Tagalog eh. Ngayon nahihirapan na'kong mag-ekspres ng damdamin sa Ingles.

Maganda ang line-up ng mga kwento sa Youngblood 3, katulad ng mga naunang volume---ipinapakita ang totoong mukha ng mga Pilipino, lalu na mga teenagers. Hindi masasayang ang bili dahil hindi lahat ng entries ay mabababaw o light pero hindi din nakaka-dugo ng mata dahil hindi lahat ng kwento ay seryoso o mabigat. Balanse lang, ba.

Di ako sure kung rebyu nga 'tong naisulat ko o paglelecture sa pagiging pinoy. Pero sana dumami pa ang mga mahilig sa pagbasa ng sulat-pilipino.


Amen. Mabuhay ang Pilipino. Pati na ang bansa neto. Rakenrol.

0 mga komento: