DURUGISTA DAW AKO sabi ni inay. Wala talagang nag-abalang linawin sa'kin to pero sa tulong ng non-verbal cues at konting bahid ng common sense e masasabi kong dahil 'yun sa pinakinggan kong musika habang lumalaki ako.
Katulad lang ako ng mga banda na kapag iniinterbyu sa songhits o magasin tungkol sa kanilang musical influences, the Beatles ang sinasagot nila--kadalasan dahil daw 'yun ang pinapakinggan ng tatay nila nuong kids pa sila. E dahil hindi naman kaskasero 'yung naging tatay ko, mga kanta ng the Carpenters at Bread ang pinakinggan ko nung bata pa'ko. Sabay kaming kumakanta noon, lalo na 'pag wala si inay, dun sa cassette player naming itim na buhay pa rin hanggang ngayon. Kumakanta ako nun kahit di'ko maintindihan yung mga kanta at nanghuhula lang ako ng lyrics.
Kaya kahit ako nagtataka kung bakit sa dulo ng prusisyon, naging durugista pa rin ako.
Naaalala ko nung Grade 6 ako, namulat ako sa kalawakan ng industriya ng musika at nag-ipon ako. Nabili ko ang pinakaunang original na CD ko sa aking lifetime, ang Hybrid Theory ng Linkin Park. Ang naaalala ko kasi sinendan ako ng ringtone ng pinsan ko ng kantang "crawling" at kahit wala pa'kong kamalay-malay na raker pala yun, bumili pa rin ako. Tuwing 5:30 AM no'n, nagsisilbing wake-up call ng pamilya namin (buti na lang naka-abroad si itay nun, haha) ang mga kanta ng Linkin Park. Freaky pag minsan pero oo, memoryado ko lahat ng nasa unang album nila. Pati 'yung rap ni Mike Shinoda.
At dun na nagsimula ang lahat. Nag-high school ako at nagpatuloy ang pagkahumaling sa musika. 'Di nagtagal natuto akong gumitara at magpasikat sa eskwela. Second year ako nun nang sumikat ang musikang akustik at nag-boom! ang industriya ng mga gumagawa ng gitara dahil sa paglutang ng MYMP. Syempre, hindi padadaig to. Mula sa in the end at papercut, nabaling ang atensyon ko sa mga lumang love songs----especially for you, tell me where it hurts, kailan, at halos lahat ng mymp songs. 'Dun ako unang um, nakilala (?) sa school performances kasama ng aking kaibigan-slash-vocalist. Oo, minahal nga siguro kami ng schoolmates namin noon, lalo na yung mga babaeng nakikiuso sa mga bagong kanta (revivals lang, actually). Pero hindi naman magtatagal ang kahit na anong hindi tunay na gusto ng sinumang tao. Naglaho din ang mymp at pagpatak ng senior year ko, natuklasan naming kaya palang kumanta ng aking bespren (oo nasa multiply din sya. hahaha). Naaalala ko pa ang araw na pagalitan kami ni Sir Castro dahil kumakanta kami ng Una ng Sponge Cola sa klase nya. Makakalimutan ko na lahat sa pagpasok ng school wag lang ang gitara ko na tinotono ko every morning. 'Dun ata lalong naging macho ang pagkakaibigan namen. 'Di nagtagal e nag-aral na ring tumugtog yung isa naming kabarkada, bass ang mas gusto nya. Drummer lang talaga ang wala ang barkada namen hanggang ngayon. BOOM. Sa lahat ng sumunod na mga school activities at programs, lagi kaming andun, tumutugtog (oo ako lang ang babae--cool.) Hindi ko makakalimutan ang una naming exposure--Jeepney yung kanta at 'dun nalaman ng buong SMAG na kumakanta si Janal. Naghihiyawan nga sila nun eh. Sabi ng iba, mas masaya daw pag kami ang tumutugtog, ewan ko kung totoo kasi uber dami ng mga mas magaling sa'min. Amateur pa e, kumbaga. Kaso ang importante naman kasi sakin (at samin) e yung makapag-perform at panuorin ng pipol. Ansarap nun, para kang naka-high. Daig pa yung palutang-lutang effect na dala ng pag-inom ng vodka sa 7th birthday party ng kapatid ng kabarkada mo. Daig pa yung thrill na dala ng pag-cucutting classes. Mas masarap pa sa Prom at Graduation. Sa loob ng tatlong minuto sa stage, nagiging hari (at reyna) kami ng isang maliit na eskwela sa Guagua Pampanga.
Sa gitna ng occasional na pagkakalunod sa mga love songs (kapag sawi sa pag-ibig), hindi nawawala ang dugong rakista ko. Natuto akong manuod ng mga concerts at gigs ng mga pilipinong banda. Naging malaking bahagi na talaga ng buhay ko ang musika, partikular ang OPM at alternatib. At kahit papano e natanggap na ng pamilya ko 'yun. Di na rin ako tinatawag na durugista ng nanay ko lately (kasi pag andyan sya hinihinaan ko yung radyo para safe. Biogesic kasi ang magiging end result pag tinuloy ko pa eh)..
At kahit na super nga ang pagiging malayu namin sa isa't isa ng mga kalahi ko dahil sa lecheng napausong kalokohang tinatawag ng mga magulang na Kolehiyo, sila pa rin ang naiisip ko tuwing pinapasabog ko ang eardrums ko sa pakikinig ng maiingay na tunog na para sa'kin ay musika.
Rak On, kabanda.

0 mga komento:
Mag-post ng isang Puna