sa saliw ng tugtugin ay yuyugyog
sa dilim ng paligid
sa ingay ng musika
magkakarinigan pa ba o magwawala na?
sapagkat sa sahig na gawa ng bawat taong nandito
lahat ay nawawala
nalilimot..
nililipad..
ang bawat indak at hiyaw
katumbas ng pagtakas sa katotohanang bumabalot sa sarili
pagtakas sa hindi masasayang bagay
sumayaw ka
kasabay ng paglimot
kasalo sa selebrasyo't pugay
marka ng panahong pinagtitibay mo
sumayaw ka, iha, sumayaw ka
ang gabi'y iyo nang buong-buo.
sugapa. yakapin mo siya. halikan mo't kainin.
dahil sa gabing 'di tulad ng iba ay mawawala ka.
lunurin ang sarili
sa handog ng sining ng bawat bahagi mo
pagkat ang gabi ay bata pa
iyong katawa'y painitin
idikit at ihagod
sa tabi ng iba at ng sariling kamalayan
mawawala ang sarili.
cheers.happy18thbirthdaychents.

0 mga komento:
Mag-post ng isang Puna